Tourism Week ng Ideal City of the North, Pinaghahandaan Na!

77

*Cauayan City, Isabela*- Pinaghahandaan na ng Pamahalaang Panlungsod ng Cauayan ang pagdiriwang para sa Tourism Week ng Ideal City of the North ngayong taon.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Sangguniang Panlungsod Member Garry Galutera, magsisimula na bukas ang selebrasyon at gaganapin ang mga aktibidades sa iba’t-ibang lugar sa Lungsod ng Cauayan.


Isa na umano ang brgy. San Luis sa mga pagdadausan sa ibang mga aktibidad ng nasabing selebrasyon kung saan dadaluhan umano ito ng ilan sa mga bigating mang-aawit.

Aniya, bukod sa layuning pagkaisahin ang mga Cauayeño ay layunin rin ng selebrasyon na maipakita ang ganda at produkto ng bawat barangay na sakop ng Lungsod ng Cauayan.

Nakipagkoordinasyon na rin umano ang Pamahalaang Panlungsod ng Cauayan sa pamunuan ng POSD at PNP Cauayan City para sa seguridad sa naturang selebrasyon.

Facebook Comments