Nananatiling mataas ang tourist arrival sa isla ng Boracay sa kabila ng nararanasang Habagat at mga pag-ulan sa lalawigan ng Aklan.
Ayon kay Malay Tourism Officer Felix Delos Santos, naglalaro sa 6,000 hanggang 8,000 bawat araw ang domestic tourist arrival.
Dagdag pa ni Delos Santos, nakapagtala sila ng kabuuang 100,302 na bilang ng mga turistang pumasok sa isla mula Mayo 1 hanggang 7, kung saan halos 10% nito ay mga dayuhan.
Nabatid na karamihan sa mga bakasyunista ay mula sa Amerika, Europe, Germany, UK, at ilang Asian countries gaya ng Korea.
Samantala, matumal naman ang pagpasok ng mga Chinese tourist dahil sa mataas na kaso ng COVID-19 sa China.
Facebook Comments