Tourist arrival sa SOCCSKSARGEN noong 2018-tumaas

General Santos City— Tumaas ang Tourist Arrival sa SOCCSKSARGEN noong taong 2018. Ito ang kinumperma ng Department of Tourism Region-12.

Sa datos na ipinalabas ng DOT-12 umabot ng 6, 603, 683 ang tourist arrival sa buong Rehiyon-noong nakaraang taon mas mataas sa tourist arrival noong taong 2017.

Ang mga beaches sa Sarangani Province na tinaguriang Little Buracay, diving spots at para-gliding adventure ang isa sa mga dinarayo ng mga torista sa rehiyon. Napag-alaman na nakapagtala ng 1,689,348 na tourist arrival ang Sarangani.


Sinunsundan ito ng General Santos City na may 1,595,759 Tourist Arrival, pangatlo ang Cotabato province na nakapagtala ng 776,046 arrivals, sinundan ito ng Kidapawan City na nasa pang-apat na pwesto, panglima naman ang South Cotabato kung saan dinadayo ang sikat na bayan ng Lake Sebu, Lake Holon at Mt. Matutum kung saan nakapagtala naman sila ng 633,337 arrivals.

Facebook Comments