TOURIST SPOTS SA AGUILAR, MANANATILING SARADO DAHIL SA PAGTAAS NG KASO NG COVID-19

AGUILAR, PANGASINAN – Mananatiling sarado ang mga tourist spots sa bayan ng Aguilar sa kabila ng pagtaas ng COVID-19.

Kabilang dito ang Daang Katutubo, Lagoons at View Deck sa Mapita. Kung valid naman ang pagpunta sa naturang tourist spot kailangan magpakita ng government ID.

Maliban sa Mapita hindi pa bukas sa publiko ang maples Stream, Buer Bayaoas River at agno River at iba pang tourist destinations.


Hindi rin pinapayagan ang pagswiswimming dito na maging dahilan ng kumpulan ng tao.
Samantala, bawal pa ring lumabas sa bayan ang edad 15 pababa at 65 pataas na siyang high risk sa covid-19.

Facebook Comments