Baguio, Philippines – Inanunsyo ng City Engineering Office (CEO) ang pagpapatupad ng towing ordinance na naunang ipinasa ng mga lokal na mambabatas upang matulungan ang pag-luwag ng mga kalsada mula sa mga sasakyan na nakaharang sa maayos na daloy ng trapiko.Ayon kay Engr. Januario Borillo, chief ng New Traffic and Transport Action Division (TTAD), magmula nang naipatupad ang towing ordinance noong Enero sa taong ito, nasa 40 na sasakyan na ang nahatak dahil sa iligal na pagparada sa iba’t ibang lansangan ng lungsod.Hinimok niya ang mga may-ari ng sasakyan na mahigpit na sumunod sa mga umiiral na trapiko at mga regulasyon sa pagpaparada upang mapigilan ang kanilang mga sasakyan na mahuli at maiwasan ang pagbabayad ng mga multa. iDOL, ano sa palagay mo?
Towing Ordinance sa Baguio, Epektibo ba?
Facebook Comments