Agew na Pangasinan gugunitain bukas

Gugunitain bukas ang ika 439th Agew na Pangasinan at kaugnay nito idineklara ng palasyo ng Malakanyang na Special Non Working Holiday ang Abril singko sa buong lalawigan ayon sa Proclamation No.696 na nilagdaan ni Secretaty Salvador Medialdea.
Highlight ng okasyon ang pagbibigay ng award sa Kurit Panlunggaring isang Literary Contest na kung saan ginagamit and deyalektong Pangasinan sa pagsusulat ng panitikan.
Bubuksan din ang Pangasinan Tourism Trade Expo na magtatampok sa mga produkto ng Pangasinan at iba pang kalapit Probinsiya. Magkakaroon din ng Live Concert o Paliket Ed Kapitolyo pagsapit ng gabi.
Samantala nagsisimula na rin ang paanyaya ng Probinsya sa mga lalahok sa iba’t-ibang aktibidad sa darating na Pista’y Dayat 2019.
*Contributed by
Allen Mayo [image: 29064008_10212324179687780_8716182677272049297_o.jpg]
Allen Mayo

Facebook Comments