Humingi ng paumanhin ang lifestyle publication na Town&Country Philippines kay Gina Lopez at kaniyang pamilya sa artikulong inilabas hinggil sa dating kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Matatandaang ibinalita ng naturang magazine sa kanilang website na namayapa na si Lopez pero kalaunan tinanggal din nila ang nasabing storya.
Narito ang opisyal na pahayag ng Town & Country kaugnay sa maling ulat:
“Town&Country apologizes profusely to the Lopez family for an erroneous news item released earlier today about Gina Lopez. She was our cover subject in 2010 and we admire her and all the wonderful work she has done and continues to do for our country”.
Nitong Biyernes, pinasinungalingan ng pamunuan ng ABS-CBN Foundation ang kumalat na impormasyon tungkol kay Lopez.
Ayon sa isang kinatawan ng organisasyon, sila mismo ang magsasabi ng kasalukuyang estado ng kanilang pinuno.
Noong nakaraang buwan, inihayag ni Lopez na may pinagdadaanan siyang “health challenges” sa buhay.