Townhouse sa Maynila na pinaniniwalaang pinagtataguan ng droga – sinalakay ng NBI

Sampaloc, Maynila – Sinalakay ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang townhouse sa Sampaloc, Maynila.

Kasunod ito ng impormasyong natanggap ng NBI tungkol sa hinihinalang drug shipment sa isang bahay sa A. Maceda Street, Barangay 501 zone 49.

Ayon sa may-ari ng bahay, may nakita siyang tatlong crates ng cylinder sa inabandonang unit ng dalawang Taiwanese national na umupa doon.


Pinaniniwalaang katulad ito ng drug shipment na nadiskubre sa Valenzuela City.

Wala naman na ang mga tenant nang dumating sa lugar ang mga otoridad.

Dumating din sa lugar si PDEA NCR director Wilkins Villanueva para magsagawa ng imbestigasyon.

Facebook Comments