Siyam, arestado dahil sa iligal na pangingisda sa Navotas City

Navotas City – Arestado ng mga tauhan ng NBI-Environmental Crime Division (ENCD) at BFAR ang siyam na mangingisda dahil sa illegal fishing sa Navotas City.

Kinilala ang mga naaresto na sina Jun Esatan, Tirso Beling, Leonar Jugaran, Ronulfo Perez, Floro Dela Jente, Rolando Rusiana, Ervin Tremotcha, Rolly Beling at Richie Langit.

Ayon kay NBI Director Dante Gierran, huling gumagamit ng danish seine o mas kilala sa tawag na “hulbot-hulbot” ang mga mangingisda at bigo ring makapagpakita ng valid fishing permit.


Dahil dito, kasong paglabag sa R.A. 8550 o Philippine Fisheries Code of 1998 ang kakaharapin ng mga suspek.

Facebook Comments