Posibleng umakyat pa sa 30 hanggang 50% na toxicity level ng tumagas na langis mula sa lumubog na MT Princess Empress sa Naujan, Oriental Mindoro.
Ito ayon kay Mindanao State University Professor at Environmentalist Hernando Bacosa, dahil na rin sa pag-init pa ng temperatura sa bansa o sa pagpasok ng summer season.
Sa Laging Handa briefing, ipinaliwanag ng propesor na tulad sa balat ng tao, nakakaapekto rin ang UV rays sa langis.
Mayroong chain process na tinatawag na photo-oxidation, kung saan inaatake ng UV rays ang chemical composition ng langis.
Ito aniya ang dahilan kung bakit magiging mas toxic ang tumagas na langis para sa kalusugan ng tao, kumpara sa orihinal na hazard nito.
Ito kung patuloy itong mai-expose sa matinding sikat ng araw, at intense radiation.