LOVE BORACAY 2023 PINAGHAHANDAAN NA NG LGU MALAY

Malay, Aklan – Pinaghahandaan na ngayon ng LGU-Malay ang Love Boracay 2023. Dahil dito isang Coordination Meeting ang isinagawa para pag-usapan ang mga aktibidad at mga events na gagawin. Nasa nasabi ring meeting si Malay Mayor Frolibar S. Bautista kasama ang mga stakeholders ng Boracay Island, SB Member Dalidig Sumndad na Chairperson ng SB Committee on Tourism, Punong Barangay ng Balabag Jason Talapian, at ibang mga LGU Department Heads. Ang Love Boracay ay karaniwang isinasagawa tuwing Abril 29 hanggang Mayo 1 kung saan layunin nito ang responsible tourist at environmental awareness. Nagsimula naman ang Love Boracay noong 2019 sa kooperasyon naman ng Boracay Interagency Task Force at Boracay stakeholders bilang alternative sa LaBoracay, kung saan nauugnay ito sa nonstop beach parties.
Facebook Comments