Toyota Avanza at Jeep nakasalpukan , Hepe ng Antipas Patay

Patay ang Chief of Police ng ANTIPAS na kinilalang si CINS Raymund Sarmongenes matapos mainvolved sa isang Vehicular Accident sa North Cotabato kahapon.
Sa impormasyong ipinarating ni North Cot PNP Spokesperson Supt Bernarad Tayong sakay ng kanyang Toyota Avanza na may plakang ZJP 209 si CINS Sarmogenes nang makabangga nito ang Willys Jeep na minamaneho naman ni Joselito Aberde sa bahagi ng KM 110 Barangay Amas Kidapawan City.
Isinugod pa sa ospital si Sarmogenes ngunit idiniklarang dead on the spot ng mga attending medical staff.
Sugatan naman sina Joselito De Julian Aberde,asawa nito na si Maria Evelyn Aberde,48 anyos,mga anak na sina Jenny Joy Aberde,26 at John rey Aberde 18, residente ng Barangay Poblacion 7 Midsayap North Cotabato.
Sa inisyal na imbestigasyon ng PNP, nagmula sa conference si CINS Sarmogenes sa Provincial Headquarters sa Amas ng masangkot sa aksidente kontra sa Willys Jeep .
Habang kasabay ng pagluluksa ng mga elemento ng ANTIPAS at North Cot PNP sa pagpanaw ng magreretiro na sanang si Sarmogenes , patuloy na nagpapaalala ang mga otoridad na mag iingat ngayong kapanahunan ng kapaskuhan lalo na sa mga magbabaye ng long distance.
FB Pic

Facebook Comments