Posibleng magmulta ng hanggang P100 thousand ang pamunuan ng TP Marcelo Ice Plant and Cold Storage sakaling mapatunayang lumabag ito sa occupational safety and health standard ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).
Kasunod ito ng nangyaring ammonia leak na nagresulta sa pagkamatay ng 2 katao at pagkaka-ospital ng 90 indibidwal sa Navotas City noong Pebrero 3, 2021.
Kasabay nito, nanawagan si DOLE Executive Director of the Agency’s Occupational Safety and Health Center Engineer Noel Binag sa ilang kompanya na mag-comply sa occupational safety and health trainings na ipinapatupad ng DOLE.
Samantala, inihayag ni Binag na may matatanggap na benepisyo mula sa Employees’ Compensation Commission ang mga apektadong manggagawa.
Kailangan lamang magpakita ng dokumentong nagpapatunay na empleyado sila ng nasabing kompanya at sila ay nagkasakit bunsod ng ammonia leak incident.