Bukas (open) ang Japan na tanggapin ang United Kingdom sa isang Trans Pacific Partnership (TPP) trade pact matapos umalis sa European Union.
Ayon kay Japanese Prime Minister Shinzo Abe, bagama’t mawawala ang papel ng britain bilang “gateway” sa Europe matapos ang brexit, mapapanatili pa rin nito ang kanilang “global strength.”
Hinimok din ni Abe ang UK at EU na gumamit ng “karunungan” para maiwasan ang isang no-deal scenario.
Ang TPP ay isang trade deal sa pagitan ng 11 bansa, kabilang ang Japan, Canada, Australia at Malaysia.
Noong nakaraang taon nang kumalas sa naturang kasunduan si U.S. President Donald Trump, matapos itong umupo sa White House.
Facebook Comments