Trabahador, Patay Matapos Umanong Magbaril sa Ulo!

Cauayan City, Isabela- Patay ang isang trabahador na hinihinalang nagbaril sa ulo sa Brgy. Turod Sur Cordon Isabela.

Kinilala ang biktima na si Reymart Matias, 25 taong gulang, binata, at residente ng naturang lugar.

Sa inisyal na impormasyon na nakuha ng 98.5 iFMCauayan, patuloy pa ang imbestigasyon ng otoridad kaugnay sa nangyaring insidente.


Una rito, nakatanggap ng tawag ang himpilan ng pulisya mula sa MHO na may insidente ng pagpapakamatay sa naturang lugar kaya’t agad nila itong nirespondehan.

Sa pagresponde ng mga pulis ay naabutan ang biktima na nakahandusay sa kanyang higaan at naliligo na sa sariling dugo.

Narekober sa lugar ang isang (1) Armscor Caliber 45, magazine, basyo at bala.

Base sa inisyal na imbestigasyon, nagpakamatay ang biktima sa pamamagitan ng kanyang pagbaril sa sarili.

Facebook Comments