Kapitan ng Isang Brgy sa Cauayan City, Pinabulaanan na may Isang Residente na Nakasabay ng PH275!

71

Cauayan City, Isabela- Pinabulaanan ni Brgy. Captain Melchor Meriz ng District 3, Cauayan City na galing sa kanilang lugar ang isa sa mga sakay ng Florida bus GD36 na sinakyan ng COVID-19 positive na taga Tuguegarao City.

Ayon kay Kapitan Meriz, personal nilang pinuntahan ang pasahero.


Bagamat sumakay siya ng Florida bus galing Manila, ngunit batay sa bus ticket, March 16 siya sumakay at dumating ito sa lungsod ng Cauayan alas 3 ng madaling araw noong March 16.

Sa ngayon ay naka home quarantine ang nasabing pasahero at kasama siya sa 17 PUM’s ng Brgy District 3.

Dagdag pa ni Kap Meriz na ang mga PUM’s sa kanilang lugar kasama ang mga pamilya nito ang inuuna nilang binibigyan ng relief packs para walang dahilan na lumabas pa ang mga ito.

Mahigpit aniya ang kanilang ginagawang pagbabantay hanggang matapos ang 14 days quarantine ng mga ito.

Giit nito na tanging PUM lang ang naitatala sa barangay District 3, ng Cauayan City.




Nakikiusap naman ang Kapitan sa kanyang nasasakupan na manatili lamang sa kani kanilang tahanan.

Facebook Comments