Trabaho at Ibang Public Services Handog sa 65th Anniversary ng RMN sa mga Pangasinense

Sa selebrasyon ng National Heroes Day at RMN 65th Anniversary handog ng 104.7 iFM Dagupan hindi lamang entertainment kundi pati PUBLIC SERVICES para sa Masang Pilipino!

Ito ay alinsunod sa adbokasiya ng yumaong si Don Henry R. Canoy na itinuturing na ama ng RMN na mapaglingkuran ang mamamayang Pilipino. Bilang pagpapatuloy sa nasimulang mithiin ng aming founder isinasagawa sa buong kapuluan ang makabuluhang pagdiriwang ng anibersaryo ng kompanya kung saan ay nagsasagawa ang mga istasyon nito ng iba’t ibang activities na kapakipakinabang sa Masang Pilipino.

Dito sa Lungsod ng Dagupan kung saan may istasyon ang RMN ay magsasagawa ng Public Service Expo sa darating na August 28, 2017 sa Metroplaza Dagupan , Downtown Dagupan City. Hatid ang mga sumusunod na serbisyo


Sa mga naghahanap ng TRABAHO handog namin ang “Local Recruitment” sa pakikipagtulungan ng PESO Dagupan at mga sumusunod na kompanya:

1. Magic Group of Companies

2. Madrid Philippines

3. Arc Refreshments Corporation

4. Staff Search Asia Jobs

5. FarmOut Central

6. Panaderia Antonio Bakery and Restaurant

7. Acabar Marketing International Inc.

 

Sa inyong mga katanungan sa Applications, Loans, Contributions, at iba pa nariyan ang ating mga best friends from:

1. Philippine Social Security System (SSS Help Desk)

2. Philhealth Rehiyon Uno Dagupan (PhilHelath Help Desk)

3. Pag-IBIG Fund (HDMF) (Pag-Ibig Help Desk)

 

Sa inyong mga katanungan sa Passport Applications, Renewal, Lost, at iba pa kasama natin ang DFA Calasiao Pangasinan

Marami pang mga sorpresang inihanda kaya punta na sa August 28, 2017, 8:00 AM – 2:00 PM sa Metroplaza Dagupan!

Maligayang ika-65 Anibersaryo RMN!
Mabuhay!

Facebook Comments