Impeachment complaint laban kay COMELEC Chairman Andy Bautista, inihain na

Manila, Philippines – Pormal nang inihain sa Kamara ang impeachment complaint laban kay COMELEC Chairman Andres Bautista.

Inendorso ito nina, Kabayan Rep. Harry Roque, Cebu Rep. Gwen Garcia at Cavite Rep. Abraham Tolentino.

Ayon sa complainant, na si dating Congressman Jacinto Paras – Betrayal of Public Trust and Grounds for Impeachment laban kay Bautista.


Aniya, nagpabaya si Bautista sa kanyang trabaho at nagsinungaling sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN).

Sinabi ni Roque – tiniyak sa kanila ng abogado ng misis ni Chairman Bautista na si Patricia na dadalo ito sa mga pagdinig para patotohanan ang kanyang mga alegasyon.

Samantala, payo ngayon ni COMELEC Commissioner Rowena Guanzon, maghain muna ng leave of absence si Bautista para hindi maipit ang ahensya.

Facebook Comments