Trabaho at kabuhayan, problemang idinulog ng mga taga-Tondo, Manila sa DZXL Radyo Trabaho

Trabaho, kabuhayan, permanenteng mapagkakakitaan at masisikip na lansangan ang mga isyung sumalubong sa Radyo Trabaho team sa mga Barangay 213, 155 at 227.

Sa Barangay 213, si Barangay Chairman Christian “Bolong” Sy ay nagsabi na bagaman at unti-unti na nilang napapaliwanag ang madilim na gabi sa kanilang lugar at may napagkakakitaan ang iba niyang kababayan, kailangan pa rin ng trabaho ng kanyang mga kabarangay.

Sa Barangay 155, si aleng Victoria Rodolfo, dalangin na magkatrabaho rin kahit animnapu at dalawang taong gulang na. Nais niyang makaipon ng pampapagawa ng bahay. Isa kasi si aleng Victoria sa halos dalawang daang may bahay na nasunugan nitong buwan ng Marso pa lamang.


Sa pag-iikot ng RT team sa lugar, marami ang dumadalangin na bumuhos ang trabaho sa kanila upang makaipon ng ipangpapatayo ng bahay at pangmatagalang trabaho na kanilang pagkakakitaan para panibagong simula ng kanilang buhay.

Ito naman ang tinuran ni konsehala Baby Barcelona ng Barangay 227, aniya, bagamat halos 1/4 aniya ng kanilang mga kabarangay ang nangangailangan ng trabaho, mas pinaprayoridad nila ang maluwag na daan na malaling maitutulong sa barangay sa patuloy na pagpapanatili ng peace and order sa lugar.

Mahigpit na ipinatutupad sa Barangay 227 ang kalinisan alinsunod sa Republic Act 9003.

Facebook Comments