Nakatuon ang pamahalaan sa pagpapasigla ng ekonomiya at paglikha ng trabaho para sa mga Pilipino.
Ito ang tugon ni Cabinet Secretary Karlo Nograles sa harap ng mga panawagang itaas ang minimum daily wage para sa mga manggagawa.
Ayon kay Nograles, mahalaga ang sahod ng mga manggagawa pero kailangang magkaroon ng job opportunities lalo na at maraming Pilipino ang nawalan ng trabaho ngayong pandemya.
Importante aniyang mapatatag muna ang ekonomiya at maitaas ang employment rate.
Isa sa mga gagawing hakbang ng gobyerno ay mapatatag ang presyo ng karneng baboy at gulay.
Sa datos na ibinigay ni Nograles, ang unemployment rate sa bansa ay nasa 8.7% noong October 2020, mataas sa 4.6% sa kaparehas na panahon noong 2019.
Ang October unemployment rate ay katumbas ng 3.8 million jobless Filipinos, kumpara sa 2 milyong walang trabaho noong 2019.