TRABAHO | Bansang Germany, nangangailangan ng higit 800 Pinoy nurse

Manila, Philippines – Nangangailangan ngayon ng 850 Pinoy nurse ang bansang Germany.

Ayon kay Jay Fernando, Vice President ng Manpower Company na Magsaysay Global, may dalawang malaking pagsusulit na kailangang pagdaanan ang mga aplikante.

Una rito ang language skill at ang pagkuha ng lisensiya sa Germany para makapagsanay bilang nurse.


Nasa P150,000 hanggang P170,000 ang starting salary ng mga nurse sa Germany.

Tataas pa ito sa halos P250,000 matapos ang higit isang taong pagtatrabaho.

Paalala naman ni Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Deputy Administrator Jocelyn Sanchez na walang placement fee na kailangang bayaran sa mga trabaho sa Germany.

Aniya, kailangan lang tiyaking lisensiyado ang kausap na recruitment agency.

Facebook Comments