TRABAHO BILL | Pagbasura sa TRAIN 2, muling ipinanawagan ng Makabayan

43

Manila, Philippines – Inihirit muli ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate sa mga kasamahang mambabatas ang pagbasura sa TRAIN 2 o TRABAHO Bill.

Ito ay kasunod na rin ng pag-apruba sa TRAIN 2 sa second reading na sinundan ng pagtaas ng inflation sa 6.4%.

Ayon kay Zarate, asahan na dodoble pa ang itataas ng presyo ng mga bilihin sa oras na maging ganap na batas ang TRAIN 2.

Hindi na aniya nakapagtataka na lalo pang lumala ang sitwasyon ng bansa lalo na ang mga mahihirap na manggagawa.

Iminungkahi ni Zarate na ibasura ang TRAIN 2 gayundin ang TRAIN 1 at tutukan na ng gobyerno ang pagbaba ng inflation at presyo ng mga bilihin.

Wala aniyang dapat na sisihin sa kinakaharap na problema ngayon ng bansa kundi si Pangulong Duterte at mga economic managers nito.

Facebook Comments