Manila, Philippines – Magkakaroon ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng job fair kasabay ng anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.
Ikakasa ang trabaho, kabuhayan, negosyo job fair mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon sa Quezon City Hall covered walkway.
Nasa halos 5,000 trabaho ang alok mapa-lokal man o overseas.
Paalala ng DOLE, dalhin lamang ng mga applicants ang mga mahahalang dokumento tulad ng resume, 2×2 id pictures, certificate of employment (para sa mga dating may trabaho), diploma o transcript of records at birth certificate.
Facebook Comments