TRABAHO | Makati LGU magdaraos ng job fair

Makati City – Inanunsyo ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Makati na isasagawa ang ikalawang Mega Job Fair sa darating na Biyernes, November 9, simula 10 A.M, sa Activity Center, 2nd level ng Ayala Malls sa Circuit Makati.

Kasunod nito, inaanyayahan ng Makati LGU ang mga naghahanap ng trabaho, maging residente man o hindi, na makilahok sa nasabing job fair na mag-aalok ng iba’t-ibang employment opportunities para sa lahat kabilang na ang persons with disability.

Bukas ang job fair para sa lahat ng nais makahanap ng trabaho at ito ay walang age limit.


Ayon naman kay Makati Public Employment Service Office chief Vissia Marie Aldon ibat-ibang kumpanya ang may hatid na trabaho at may-aalok ding libreng printing at photocopying services para sa mga aplikante na nais magpa-print o magpa-photocopy ng kanilang resume kung kaya at pinapayuhan ang mga aplikante na magdala ng flash drive upang mabigyan ng nasabing libreng serbisyo.

Lalahok din sa Biyernes ang ilang national government agencies na nagbibigay ng employment-related services, kabilang ang Department of Labor and Employment (DOLE), Government Insurance Service System (GSIS), Pag-IBIG at PhilHealth.

Imbitado rin ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at Social Security System (SSS) upang makibahagi sa naturang aktibidad.

Facebook Comments