TIMBOG | Sekyu na wanted, arestado sa Maynila

15

Manila, Philippines – Naaresto na ng mga awtoridad ang security guard na wanted sa kasong pagnanakaw sa Rizal Avenue kanto ng Bambang Street sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang suspek na si Alvin Glore, 34-anyos at residente sa Tondo.

Dinakip ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Manila Regional Trial Court Branch 42 dahil sa kasong qualified theft.

Sa ngayong ay nakakulong na ang suspek at nakatakdang iharap sa korte na nagpalabas ng kaniyang warrant of arrest.

Facebook Comments