Trabaho mapa-Pilipinas at abroad, alok sa inyo ng Valenzuela City Gov’t sa kanilang job fair ngayong araw

Ihanda na ang mga sangkatutak na resume at sugod na sa isasagawang “Local and Overseas Job Fair” ng city government at Public Employment Service Office (PESO) Valenzuela City.

Ayon kay PESO Manager Josephine ‘Ophie’ Osea – mahigit sa limampung (50) local companies at pitong (7) overseas ang kanilang inimbitahan.

Magsisimula ang registration mamayang alas-otso ng umaga at magtatapos bandang alas-tres ng hapon.


Gaganapin ito sa level 4 Sky Garden ng One Mall Valenzuela sa Barangay Gen. T. De Leon.

Bukod sa trabahong handog mayroon ding one-stop shop pre-employment services sa mga papalaring ma-hired on the spot.

Ang DZXL Radyo Trabaho ng DZXL 558 – RMN Manila ang official radio partner ng nasabing aktibidad.

Kahapon, naimbitahan din ang DZXL Radyo Trabaho na i-cover ang matagumpay na Mega Job Fair ng Pasig City at Caloocan City.

Facebook Comments