Manila, Philippines – Kahit walang tigil ang ulan, dinagsa pa rin ang Mega Job Fair sa Luneta Grandstand para sa ika-120 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan.
Nilahukan ito ng mahigit 600 local at overseas employers.
Ayon kay DOLE-Bureau of Local Employment Ceso III Director Dominique Tutay, nasa 125,000 trabaho ang pwedeng aplayan sa mga isinasagawang job fair sa buong bansa.
Bukod sa Job Fair, may alok din na diskwento caravan ang DTI, libreng masahe at gupit ang TESDA at medical mission ang DOH.
Maaari itong sulitin hanggang alas dos o alas tres mamayang hapon.
Samantala, nagbibigay ngayon ng libreng sakay ang Navotas City government para sa mga residente nitong nais makiisa sa mga aktibidad sa Rizal Park.
Facebook Comments