Trabaho Partylist, kakatigan ang job-generating investments para sa Pinoy

Ayon ka Atty. Mitchell-David L. Espiritu, tagapagsalita ng TRABAHO Partylist (TRABAHO), magandang balita para sa mga Pilipino ang higit sa 11,000 na trabahong magmumula sa P52.933 bilyong investment na inaprubahan kamakailan ng Philippine Economic Zone Authority.

Upang katigan ito, isasabatas ng TRABAHO ang pagpopondo sa mga angkop at world-class na on-the-job training program at facilities na makakatulong humubog sa mga kwalipikasyon ng mga manggagawang Pilipino.

Alinsunod ito sa plataporma ng TRABAHO na matiyak na ang bansa ay magkakaroon ng kwalipikadong labor force para sa mga nasabing industriya upang masiguro ang mataas na kalidad at pangmatagalan na trabaho para sa mga Pilipino sa mga susunod na taon.

Hinimok ni Atty. Espiritu na importanteng samantalahin ang pagkakataon na ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga programa para sa pag-aangat ng kasanayan at pagtutugma ng trabaho, lalo na sa sektor na nangangailangan ng mga highly-specialized na kasanayan at mataas na antas ng edukasyon.

Saklaw ng mga inaprubahang proyekto ang mga industriyang export manufacturing, IT-BPM, domestic market venture, facilities development at ecozone development.

Facebook Comments