
“Wala po dapat napag-iiwanan, lalung-lalo na ang mga kababaihan” – iyan ang hamong iniwan ni TRABAHO Partylist nominee Ninai Chavez sa kanyang mga kapwa kababaihan sa San Pedro, Laguna nitong ika-10 ng Marso.
Kasabay ng National Women’s Month, ang mga binansagang “LaguNanay” o mga nanay ng Laguna ay nagdiriwang ng kanilang ika-7 anibersayo sa pangunguna ng kanilang representative sa Kongreso, Ann Matibag.
Pinuri ng TRABAHO ang programang ito ni Cong. Matibag dahil isa itong napakagandang halimbawa upang maipakita ang kakayahan at kahalagahan ng mga kababaihan sa ating mga lokal na pamayanan.
Maliban sa mga pagkakakitaan at pagnenegosyo, nagkakaloob din ang wellness program, legal counseling at medical mission.
Sa mensahe ng kanilang nominee, nagpahayag ng legislative agenda at reporma ang TRABAHO, bilang #106 sa balota, na kanilang isinusulong para sa mga kakabaihan- mga batas na magtitiyak ng patas na patakaran at pasahod sa mga kababaihan at mas pinalawak na benepisyo para sa solo parents.
“Hangang-hanga po ako at napakalaki po ng aking respeto sa mga solo parents natin dahil ang trabaho ng dalawa [magulang] ay ginagampanan ng isa [solo parent] para lang makapag provide sa kanilang mga anak,” pagsaludo ni Chavez.
Maliban kay LaguNanay founder at San Pedro, Laguna Congresswoman Matibag, dumalo rin sa pagdiriwang sina Senator Francis “Tol” Tolentino at Congresswoman Lani Mercado-Revilla.