Hospital bill ng OFWs at kanilang pamilya, pinapasagot ng isang Kongresista sa Philhealth

Maghahain ng panukalang batas si House Deputy Majority Leader at ACT-CIS Partylist Rep. Erwin Tulfo na mag-oobliga sa Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth na sagutin kahit man lang kalahati ng hospital bill ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at kanilang pamilya.

Tugon ito ni Tulfo sa daing ng mga OFWs na kanyang nakausap ng magtungo sya sa Paris, France para sa kanilang Barrio Fiesta activity.

Ayon kay Tulfo, kung gagawin ito ng Philhealth ay magiging malaking kabawasan ito sa gastusin ng ating OFW – lalo na yung mga domestic helper at iba pang trabaho sa ibayong dagat na mababa ang sahod.


Binanggit ni Tulfo na sa ngayon ay hanggang 30% lang ng medical bill ang sagot ng PhilHealth para sa lahat ng miyembro nito at sa ilang mga piling sakit lang.

Facebook Comments