Kasabay ng buhos ng ulan, ang buhos ng trabahong naghihintay sa inyo ngayong Huwebes.
Handa na kasi ang dalawang araw na “Job Fairs 2019: Trabaho for Every Juan” na hatid sa inyo ng jobquest.ph.
Magsisimula ito mamayang alas dyes ng umaga hanggang alas sais ng gabi.
Magsadya na sa 2nd level, Starmall EDSA-Shaw sa Mandaluyong City.
Nasa 30 pribadong kompanya ang kanilang inimbitahan na mayroong alok na mahigit 2,000 bakanteng trabaho.
Ito ay sa pakikipagtulungan sa DOLE-PAPAMAMARISAN District, PESO Mandaluyong City, Morethanjobs Inc. at ng official radio partner ang DZXL Radyo Trabaho ng DZXL 558 RMN Manila.
Facebook Comments