Trabaho sa Kamara, tiniyak na hindi maaapektuhan ng Duterte-Robredo impeachment

Manila, Philippines – Natitiyak ni House Speaker Pantaleon Alvarez na hindi madidiskaril ang trabaho ng Kamara lalo na ang mga priority measures sa impeachment complaint laban kay Pangulong Duterte at ang maihahaing reklamo laban kay bise presidente Leni Robredo.

Ayon kay Alvarez, pareho nilang idadaan sa proseso ang mga reklamong ito laban sa dalawang pinakamataas na opisyal ng bansa.

Hindi umano maaaring balewalain lamang ito ng kamara dahil ang kapulungan ang may mandato na unang duminig ng impeachment complaint base sa saligang batas.


Pero hindi umano ito magiging dahilan para hindi maaksyunan ang mga prayoridad na panukala ng administrasyon.

Mayroon naman anyang hiwalay na mga komite na tumatalakay ng mga panukala bago ito maiakyat sa plenaryo para sa kaukulang approval.

Facebook Comments