Inamin mismo ni kagawad Jun Aporillo ng Brgy. 314 Zone 31 Sta. Cruz, Manila na naging talamak ang kalakalan ng ilegal na droga sa kanilang nasasakupan.
Ayon kay Kagawad Aporillo, noong ang napatay na brgy. Chairman nila na kasama sa drugs watchlist ang nasa pwesto ay karamihan sa kanilang mga ka-barangay ang lulong sa ipinagbabawal na gamot.
Pero noong pumalit dito ang bago nilang Chairman na si Hilda Turla ay unti-unti nang umaayos ang kanilang barangay.
Sa katunayan, ayon kay barangay kagwad Aporillo, malaking tulong ang DZXL Radyo Team at trabahong alok natin para sa mga drug surrenderees.
Pagkatapos anilang idaan sa counselling ang mga drug surrenderrees, doon na papasok ang trabaho na alok ng Radyo Trabaho team upang makapagsimula ng bagong buhay.
Samantala, mainit naman tayong tinanggap sa mga pinuntahan nating barangay kabilang ang Brgy. 285 Zone 26 Binondo, Manila, Brgy. 276 Zone 25 District 3, Binondo, Manila at Brgy. 43 Zone 3 District 1, Tondo, Manila.
Ayon kay Kagawad Edwin Padasas, malaking tulong ang Radyo Trabaho team.