Track record ng mga re-electionist, nakaambag para makapasok sila sa magic 12 ng pinakabagong survey ng Pulse Asia

Manila, Philippines – Nakaambag nang malaki sa kanilang ranggo sa pinakabagong senatorial survey ng Pulse Asia ang track record ng mga re-electionist.

Ayon kay Ronnie Holmes, presidente ng Pulse Asia – tinitingnan ng mga botante ang mga batas na ini-akda ng mga re-electionist senators gayundin ang mga isinusulong nilang panukala.

Kaya naman madali na para sa mga senador na makakuha ulit ng suporta sa mga botante lalo na kung hindi sila nasasangkot sa mga negatibong isyu.


Sa resulta ng survey na isinagawa noong December 14 to 21, 2018 pasok sa top 5 ang mga re-electionist senators na sina Grace Poe, Cynthia Villar, Sonny Angara at Nancy Binay.

Ayon kay Poe, ang pangunguna niya sa survey ay dahil na rin sa kanyang sipag, dasal at legacy ng kanyang ama na si Fernando Poe Jr.

Habang sabi ni Angara, mas na-inspire siyang pag-igihin pa ang trabaho ngayong 2019 at sa mga susunod pang mga taon para paunlarin ang buhay ng mga Pilipino.

Facebook Comments