Track record, sandata ni VP Leni para manalo bilang presidente ng bansa

Binigyang-diin ni Vice President Leni Robredo na ngayon ay tumatakbo sa pagkapangulo ng Pilipinas na dapat tingnan ang karakter ng isang kandidato bago iboto.

Ito ang pahayag ni VP Robredo matapos siyang humarap sa Bayugan City, Agusan del Sur sa isinagawang campaign rally.

Aniya, sa 6 na taong panunungkulan sa Office of the Vice President bagama’t kulang ang pondo ay marami silang nagawang programa para sa taong bayan tulad ng sa kalusugan, edukasyon at programa sa trabaho dahil nagagamit nila ng tama ang pera.


Lahat aniya ng kandidato ay nangangako ng ganito pero dapat tingnan kung sino ay may nagawa na.

Pinuri naman ni VP Leni ang Bayugan City, Agusan del Sur dahil sa ganda ng lugar.

Napansin ni Robredo ang tanawin matapos bumiyahe sa lupa imbis sa himpapawid dahil sa sama ng panahon.

Nabatid na maraming boto ang nakuha ni Robredo sa Agusan del Sur noong siya ay nanalo bilang bise presidente.

Facebook Comments