China – Bubuo ng mga bagong hakbang ang China para mapalawak pa ang ekonomiya nito sa gitna ng uminit na trade confrontation sa Estados Unidos.
Sa talumpati ni President Xi Jinping sa Boao forum sa China, tututukan daw niya ang automobile investment, babawasan pa ang taripa sa mga kotse ngayong taon at po-protektahan ang kanilang intellectual property.
Matatandaang gumanti ang China sa United States matapos na maglabas ng kautusan si President Donald Trump na nagpapataw ng mataas na taripa sa mga steel at aluminum mula sa China.
Dahil dito, nagpataw na rin ang China ng taripa sa 3-bilyong dolyar na halaga ng US imports.
Facebook Comments