HINDI KINAYA | 1 patay, 4 sugatan sa pagbagsak ng crane mula sa ginagawang gusali sa Pasay City

Pasay City – Isa ang kumpirmadong patay habang apat ang sugatan sa pagbagsak ng crane mula sa ginagawang gusali sa Pasay City.

Wala pang pagkakakilanlan ang mga biktima na pawang mga Koreano.

Sa inisyal na report, nasa roof deck ng isang compound building ang mga biktima nang biglang bumagsak ang bahagi ng crane mula sa ginagawang gusali ng sti academic center sa bahagi ng P.Celle Street Corner Edsa-Pasay.


Agad naman isinugod sa San Juan de Dios Hospital ang mga biktima habang sinasabing sugatan din sa insidente ang crane operator.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa nangyaring aksidente.

Facebook Comments