Kalibo, Philippines- Kinagigiliwan ngayon at hanga ang mga turista at mga balik bayan na dumadayosa trade fair o Aklan Piña & Fiber Festival 2017 ng Department of Trade and Industry (DTI) sa Trade Hall Provincial Capitol Grounds sa bayan ng Kalibo.
Ito’y dahil kasi sa mga naggagandahang ibinibinta ng mga exhibitor sa nasabing trade fair na nagsimula nitong nakaraang linggo at magtatapos sa araw ng Miyerkules.
Makikita sanasabing fair ang ibat-ibang produkto na sa probinsya lamang matatagpuan kagaya ng mga bag, tsinelas at accessories na yari sa abaca, habang agaw atensyon naman ang ibat-ibang desinsyo at fashionable wear na mga gown at barong na yari sa piña.
Maliban dito patok din ang mga furniture na may mga kakaibang desinsyo at mga frozen products na gustong gusto ng mga bisita bilang pasalubong kasama na ang mga ice cream na merong mga kakaibang flavor.
Ang DTI ay umaasang makakakuha ng total sales ngayong taon na 5 milyon pesos mula sa isang linggong trade fair kung saan may tema itong “greening local products towards competitiveness”
Trade fair ng DTI sa Aklan, kinagigiliwan ng mga turista
Facebook Comments