Isasama ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang usapin sa status ng Generalized Scheme of Preferences Plus (GSP+) ng Pilipinas sa pakikipag-pulong sa European Union.
Ang GSP+ ang nagbibigay sa developing countries ng insentibo upang isulong ang mga programa para sa sustainable development at good governance.
Nasa alanganin estado ngayon ang GSP+ status ng bansa matapos ng banta ng EU Parliament na pansamantalang ihihinto ang trade privileges sa harap ng mga alegasyon ng paglabag sa karapatang pantao at kawalan ng press freedom.
Sa interview ng media habang sakay ng eroplano patunong Belgium, sinabi ng pangulo na babanggitin niya sa mga lider ng EU ang tungkol sa bagay na ito.
Makikipagpulong ang pangulo at kanyang high-level delegation sa mga opisyal ng European Commission, European Council at European Parliament para pag-usapan an EU GSP+ privileges.
Sa ilalim ng trade preference scheme, pinapayagan ang pagpasok ng higit 6,000 produkto mula sa Pilipinas sa EU nang walang buwis, sa kondisyon na ipatutupad ng gobyerno ang 27 international conventions on human rights, labor, environment and climate action at good governance.