TRADE WAR | US, China, nagkasundo ng ceasefire

Nagkasundo ang Estados Unidos at China na magkaroon ng ceasefire sa trade war nito.

Ito ay matapos magpulong sina U.S. President Donald Trump at Chinese President Xi Jinping.

Sa kanilang pulong, ipatutupad ang walang pagtaas ng taripa simula Enero a-uno.


Mananatili ang 10% tariffs sa $200 billion na halaga ng Chinese imports at hindi ito itataas sa 25%.

Mag-aangkat din ang China ng agricultural, energy, industrial products mula sa U.S. upang mabawasan ang trade imbalance sa pagitan ng dalawang bansa.

Facebook Comments