Traders Royal Bank na dating pagmamay-ari ng mga Marcos, pinagbabayad ng milyun-milyong piso sa gobyerno ng Sandiganbayan

Inatasan ng Sandiganbayan ang Traders Royal Bank na mas kilala bilang Royal Traders Holding Co., Inc. na bayaran sa gobyerno ang P96 million at $5.4 million na ninakaw na yaman sa kaban ng bayan.

Ang Traders Royal Bank ay dating pagmamay-ari ng mga Marcos.

Sa inilabas na desisyon ng Sandiganbayan, dapat magbayad ang Traders Royal Bank ng face value ng bank certificates na nagkakahalaga ng P30 million at P65.98 million na naipalabas noong 1974 at 1975 hanggang 1978.


Habang pinababayaran din nito ang mga bank certificates na nagkakahalaga naman ng $5.435 million o katumbas ng mahigit P277 million na naipalabas mula 1975 hanggang 1979.

Sakop ng mga bank certificates ang pagtungo ng pamilya Marcos sa Hawaii noong 1986 matapos ang People Power revolution na nagpatalsik kay dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Facebook Comments