Inisyal na listahan ng mga planong patakbuhin sa 2022 national elections, inilabas na ng Liberal Party

Inilabas na ng Liberal Party ang inisyal na listahan ng mga planong patakbuhin sa 2022 national elections.

Kasabay ito ng inilunsad na National Executive Council meeting ng partido liberal.

Pasok sa listahan sina Senators Francis “Kiko” Pangilinan, Leila De Lima at dating Senador Bam Aquino.


Inendorso naman ng LP ang kandidatura ng kanilang “guest” senatorial candidates na sina Senador Risa Hontiveros mula sa Akbayan Party-List at Human Rights Lawyer Chel Diokno.

Sa ngayon, hindi pa naglalabas ng opisyal na plano si Aquino habang una nang nagdeklara si Diokno ng kanyang intensyong kumandidato muli sa pagka-Senador.

Facebook Comments