Manila, Philippines – Binigyang diin ng Pamahalaan na hindi nila tinatanggal ang karapatan ang mga namatay na miyembro ng Maute na gawin ang tradisyon ng mga Muslim.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines Spokesman Brigadier General Restituto Padilla, ang mga narerekober na bangkay ng mga terorista ay dumadaan muna sa dokumentasyon at pagkatapos at agad ililibing ang mga ito alinsunod narin sa sinusunod nilang tradisyon.
Sinabi pa ni Padilla na sa mga public cemeteries sa Marawi City at sa Iligan City inililibing ang mga nasawing terorista.
Nabatid na batay sa tala ng AFP ay umabot na sa 491 terorista ang napatay at humigit kumulang 200 sa mga ito ay nadokumento na at nailibing na.
Nilinaw din naman ni Padilla na kung matagalan man ang paglilibing, ito ay dahil sa dami ng mga bangkay na narerekober ng militar at kulang naman ang mga tao na magpoproseso sa mga nakukuhang bangkay.
Pero hindi ibigsabihin aniya nito ay hindi nila iginagalang ang tradisyon ng mga Muslim dahil hindi lang talaga kayang agad tapusin ang dokumentasyon dahil sa kakulangan ng tao ng AFP.
Sinab din ni Padilla na ang Bureau of fire Protection at ang Local Government units ang nangangasiwa sa pagpapalibing sa mga na-proseso nang mga bangkay.
Tradisyon ng mga Muslim iginagalang ng AFP, mga bangkay ng mga teroristang Maute agad inililibing
Facebook Comments