Traffic enforcer na nanampal ng bus driver, sinibak sa pwesto

Pasay, City – Sinibak na sa pwesto ang traffic enforcer na nanampal ng bus driver sa Taft Avenue, Pasay City.

Sa video na ini-uplaod ng netizen na si Maria Lea Landicho, makikita ang pananampal ng isang traffic enforcer sa driver ng Lucena bus lines malapit sa LRT-1 Buendia station noong Lunes, Setyembre 18.

Pumagitna pa ang konduktor at ang isang gwardiya habang umawat na rin ang isa pang traffic enforcer.


Ayon sa hepe ng Pasay traffic management, minura ng driver ang kanilang enforcer kaya’t uminit ang ulo nito.

Itinanggi naman ito ng driver ng bus at sinabing natakot lang siyang makumpiska ang kaniyang lisensya kaya’t hinayaan na lang niyang sampalin siya ng enforcer.

Facebook Comments