Traffic Enforcer ng LGU Ilagan, Humingi ng Deputization sa LTO!

*Cauayan City, Isabela-* Sa isinagawang regular session ng Sangguniang Panlungsod (SP) o Legislative body ng City of Ilagan ay humingi ng deputization ang mga City Traffic Management Group o CTMG mula sa Land Transportation Office (LTO).

Sa ekslusibong panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay SP Member Rolando Tugade, Chairman ng Transportation Committe ng nasabing Lungsod ay nakatakda silang babalangkas ng konkretong resolusyon o ordinansa na ipapatupad ng CTMG kasama ang mga LTO at iba pang law enforcer.

Layunin ng nasabing pagka-deputized ng CTMG na magkaroon ng karapatan ang mga ito na mabigyan ng citation ticket ang mga violator na tsuper sa kalungsuran bago kumpiskahin ang kanilang lisensya.


Ayon kay Rolando Aguada District Head ng LTO City of Ilagan, bago ma-deputized ang ilan sa mga miyembro ng CTMG ay kailangan munang sumailalim sila sa workshop at seminar na isasagawa ng nasabing ahensya.

Dagdag dito kanyang nilinaw na ang mga sasailalim sa workshop at seminar ay kailangang mga regular na empleyado.

Facebook Comments