Planong dagdagan ng lokal na pamahalaan ng Mangaldan ang mga itatalagang traffic personnel upang matiyak ang kaligtasan sa gitna ng kakalsadahan.
Sa dumarami umanong kaso ng vehicular accidents sa lugar ay magdagdag rin umano ng checkpoints sa mga pangunahing kakalsadahan.
Pagtitiyak ito hindi lamang sa umano sa mga motorista kung hindi pati na rin sa mga pasahero at mga pedestrian.
Iginiit din ng alkalde ng bayan ang pag-iwas ng mga motorista na bumyahe kung nasa impluwensya ng alak dahil isa rin ito sa karaniwang dahilan ng aksidente.
Nagbigay paalala rin ang LDRRMO na mag-ingat ngayong napapadalas na ang malalakas na pag-uulan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









