Manila, Philippines – Ipapatupad ng Makati City Government ang traffic rerouting plan kaugnay ng obserbasyon ng Undas 2017 simula Oktubre 31 hanggang Nobyemre 2.
Kasabay nito ang pagpapasara ng ilang bahagi ng mga sumusunod na kalye:
-Kalayaan Avenue – mula Zapote hanggang Nicanor Garcia
-South Avenue – mula Metropolitan hanggang J.P. Rizal
-Vito Cruz – mula South Avenue hanggang Zapote, at
-Pililia St. – mula J.P. Rizal hanggang Kalayaan
Narito naman ang mga alternate routes na bukas para sa mga motorista patungo sa kani-kanilang destinasyon;
-mula Guadalupe area patungong Manila – dumaan sa kahabaan ng J.P. Rizal Ave. patungo sa destinasyon;
-mula Manila patungong Guadalupe area – dumaan sa kahabaan ng J.P. Rizal Ave. patungo sa destinasyon;
-mula Ayala CBD patungong Circuit Makati – dumaan sa Ayala Avenue, kumaliwa sa Yakal St., kumanan sa Pasong Tamo patungo sa destinasyon;
-mula Zapote patungong Ayala CBD – dumaan sa J.P. Rizal Avenue, kumanan sa Nicanor Garcia St., kumaliwa sa Gil Puyat Avenue patungo sa destinasyon;
-mula EDSA /Jupiter Area patungong Vito Cruz – kumaliwa sa Nicanor Garcia, kumanan sa Gil Puyat Avenue, patungo sa destinasyon;
-mula Mandaluyong patungong CBD – dumaan sa Makati Avenue patungo sa destinasyon;
-mula Kamagong St. patungong Jupiter St. – kumanan sa Ayala Avenue, Loop Ayala Avenue/Gil Puyat Avenue, kumaliwa sa Nicanor Garcia St. patungo sa destinasyon.
Samantala, magiging bukas sa two-way traffic mula mamayang hatinggabi hanggang hatinggabi ng nobyembre 2 ang mga sumusunod:
-J.P. Rizal mula pasong tirad hanggang makati ave., at kalayaan avenue mula Pasong Tirad hanggang Zapote.
-Magiging one-way naman ang Kalayaan Ave. mula N. Garcia hanggang Makati Ave., at Metropolitan Ave. mula South Avenue hanggang N. Garcia.
Pinapayuhan ang publiko na asahan ang mabigat na daloy ng trapiko, dumaan sa alternate routes, at umiwas sa bahagi ng South Cemetery.