Traffic Scheme sa Cauayan City, Pinag-usapan sa City Council!

Cauayan City, Isabel – Maigting na pinag-usapan sa city council kaninang hapon, March 8,2018 ang tungkol sa maayos na traffic scheme sa Cauayan City.

Pinangunahan ni City Vice Mayor Leoncio A. Dalin, Jr. ang pagtalakay sa mga inihaing paraan o proposal ng Public Order Safety Division o POSD at Traffic Division ng PNP Cauayan City kung saan may mga paraan ang dalawang grupo na pareho at may ilan din na hindi pareho.

Mas nabigyan ng pansin ang ukol sa one way at two way na isa sa nakitang dahilan ng problema sa trapiko lalo na sa Maharlika Highway.


Iminunglahi nman ng ilang SP Members na magpulong muna ang POSD at PNP traffic personel upang mapagsama ang magkaparehong proposed plan at ang hindi pareho upang mas mapabilis na magawan ng aksyon sa sunod na Committee Hearing na nakatakda sa March 20, 2018 ng umaga.

Matatandaan na kamailan lamang ay nasa unang pagbasa na ang panukalang ordinansa ng Traffic Management Committee ukol sa kaayusan ng daloy sa trapiko o ang Ordinance No.2018-172 partikular ang one way at two way street, No Left,Right and U-Turn sa mga lansangan ng Cauayan City.

Facebook Comments