Traffic summit ng pamahalaan, aarangkada na ngayong araw

Sisimulan na ngayong araw ang traffic summit ng pamahalaan para matugunan ang matinding problema sa trapiko sa bansa.

Pangungunahan ni Pangulong Bongbong Marcos ang Bagong Pilipinas Townhall Meeting on Traffic Concerns sa San Juan City, kasama ang iba pang stakeholders.

Ayon kay Pangulong Marcos, layunin ng summit na makabuo ng mga mungkahi at hakbang kung paano maibsan o mabawasan ang problema sa trapiko.


Hinimok din ng Pangulo ang publiko na magbigay ng kanilang mga komento at suhestiyon sa traffic summit, para makabuo ng mga hakbang na lulutas sa naturang problema.

Samantala, pagkatapos naman ng traffic summit ay nakatakdang bumiyahe si Pangulong Marcos sa Washington DC para sa trilateral summit ng Pilipinas, US, at Japan.

Facebook Comments