Trafficking ng mga OFW, puwedeng supilin sa pamamagitan ng mga kasunduan sa mga host country

Iginiit ni Senator Joel Villanueva ang kahalagahan ng mga kasunduan sa pagitan ng mga bansa kung saan nagtatrabaho ang mga Overseas Filipino Worker (OFW) upang maiwasan na maging biktima sila ng mga sindikato ng human trafficking.

Pahayag ito ni Villanueva sa pagdinig ng Senate Committee on Women na pinamumunuan ni Senator Risa Hontiveros ukol sa mga kaso ng trafficking ng mga Pilipina sa Syria na nasa ilalim ng total deployment ban simula pa noong 2011.

Paliwanag ni Villanueva, sa bisa ng bilateral agreements ay mapapadali ang paghahabol ng ating pamahalaan sa mga third-country recruiters na nagde-deploy ng mga OFW sa mga delikadong lugar.


Diin ni Villanueva, sa ilalim ng bilateral labor agreements ay magkakaroon ng sapat na proteksyon para sa ating mga kababayan laban sa mga sindikato ng human trafficking.

Facebook Comments